NOW YOU KNOW MY ABCs
May 17, 2019
7th grader JC Gorgonio performed this thought-provoking and politically charged spoken poetry for Mano Amiga’s Got Talent. He won first prize for the Solo division.
Extra judicial killings, diba nakakatawa? Ejk, BDO, KFC ito yung mga salitang ginagamit natin sa pag-araw araw kaya kailangan nang paikliin. Tutal parte narin naman sa ating buhay pagpapaikli ng buhay normal nalang ang pagpatay para madali nalang banggitin sa tv para papasok sa tenga lalabas sa kabila pagkatapos non tapos na diba yun na yung hinahanap natin na hustiya?
F freedom o kalayaan. Malaya naba talaga tayo? O pinalaki lang ang kulungan at ang Pilipins ang nagsisilbing bilangguan. G for God. Hindi ba’t nakakabigla na sarili nating pangulo ay sya pa mismo ang gumugulo sa ating paniniwala. H Halalan. Pinipili nating iboto ang mga kandidatong hindi dumadalo sa pangyayaring ganito. Ang mga kandidatong tumatakbo ay nanghihingi ng boto pero hindi mapatunayan ang gagawing panigurado.
I- I I I have the right to express my opinion, I have freedom of expression. J justice or hustisya pano tayo makakakamit nang hustiya kung sa mahihirap pa lang ay talo na, wala tayong patas na hustisya kung ang kalagayan mo ay dukha. K hindi kailanman naging kanser o katamaran ang paglaban sa iyong karapatan, mas mainam nang lumaban kesa magbulag bulagan. L for larangan. Bakit mas pinipili natin piliin ang gwapo at mabait kung ito nama’y makakasira ng ating bayan, bakit mas pinipili nating magbulag bulagan bagkus dapat tayo’y lumaban. M sa libreng edukasyon may pondo paba tayo para don? N no comment muna para don.
O for operasyon. Operasyon ba ng mga kapulisan ang pagpatay nang apat napu’t- isang magsasaka. Galing mismo sa bunganga ng pangulo ang pagbabanta na bobombahin ang mga lumad eskwela P for Pag-asa.. Minsan Spratley minsan China. Depende sa mood nang ating pangulo. Minsan IPAGLABAN! Minsan hayaan nyo nayan napatayuan na ng building ano pa magagawa natin dyan. R for Rape jokes, sa mga kalalakihan na kala nila nakaka cool ang paggawa ng kalaswaan sa mga pampumblikong sasakyan at sa mga kalalakihang sinisisi ang kababaihan sa kanilang kasuotan bagkus tinuturuan natin ang ating sarili na rumespeto.
Q Quick Trivia. Alam nyo ba na malapit na tayong masakop ng China tapos kayo mga walang pakealam na parang mga tuta? S for Senators. Sila ang mga tinitingalang mga modelo ng ating bansa pero bakit sila pa ang gumagawa ng masasakit sa mata. T for Tayo. Tayo na’t tumayo kasi kung walang tatayo mga magnanakaw ang uupo, maging wais sa pagpili ng kandididato upang hindi pagsisihan sa dulo. U for Unfair. Kala ko ba kabataan ang Pag-asa ng Bayan pero bakit isinusumpa na kala mo kamatayan.
V for Ilang sakong bigas pa ba ang kailangan punuin at ilang buhay pa ba ang kailangan buwisin ng ating mga magsasaka para makuha ang pinakamithiin? . W.. Wala na ba talaga tayong magagawa? Bakit hinahayaan natin sirain ng mga dayuhan ang karagatan na matagal na nating pinaglalaban? X sample Xplain sunod sunod na nga ang panrerape pero ni isa may nasulosyunan ba? Deathpenalty for rape, uubra ba?
Z- Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, naniniwala ka pa ba? Sa panahon ngayon, masyado tayong delikado sa pagpapadamihan ng likes, nung lumindol nasingit mo pang magpost ng “lumabas lang ako, yumanig na ang mundo”.. Kung nakaya ni RiZal na ipagkatiwala sayo bat hindi ka maniwala sa sarili mo? Kala ko ba na ang Edukasyon ang solusyon sa kahirapan ngunit bakit ang mga edukado pa ang nagnanakaw sa bayan.? Millenials panahon na natin to. Ipaglaban ang karapatan wag manahimik lang, kung alam mong mulat kana sa katotohanan kasalanan nang pumikit. O aking mga kababayan hindi masamang makipagsapalaran at lumaban, pero hanggang saan ka dadalhin nang iyong paninindigan.